KB Day.
Di ko maiwasang ma-excite at di ko matanggap na dahil yon sa kanya. Maaga kong nakarating sa meeting place at nandun ang bestfriend niya, matagal tagal din bago sila dumating.
Nakumpleto kami, pero inaya ako na bumalik sa bahay para kunin yung bola na pwedeng alternative sa volley ball. Umuwi ako kasama si friend, hanggang sa dumiretso na kami sa KB kasi nandon na raw sila. KB.
Nag-volleyball muna kami. Light weight masyado yung bola ng pinsan ko na alternative nga sa volley ball kaya di exciting. Nakipila ko sa badminton. Unang naglaro sina hapon at Pian. Tapos si Pian at Hardy.. tapos ako tsaka si Pian. Di ako naiilang dahil sa kalaro ko siya. Di ko naman na siya feel. Lumipas na rin kasi kung ano man yung kilig na meron ako para sakanya dati. Paulit ulit nila kong kinantsawan na naiilang daw ako. Tawa na lang ako nang tawa. Maliit da kasi yung espasyo na ginagalawan ko, akala nila nahihiya ako kay Pian. Pa virgin daw whaha, di naman talaga ko mahinhin pagdating sa laro. Coz games are too much fun & dapat wala nang halong kaartehan. Masasaktan ka kung masasaktan. Pasa kung pasa. Gasgas kung gasgas. Hindi uso ang face powders sa pagnaglalaro.
Anyway, masyado kaming namrublema sa susunod na laro. Here comes the genius brain of our Valedictorian presenting the 20th century version of hide & seek, taguan with conference. Unli call and text kasi ako. Tinawagan ko silang lahat tas para kaming tanga na nagbobroadcast kung game na ba o may nataya na. Kinuha ko yung number nila tas isa-isang tinawagan, and pang-last nga si Mr. Valedictorian tas yun hindi na kinaya ng conference. Siya lang ang di nakakarinig kay Aldrin. Una rin siyang nahanap. Tapos mga pang-apat siguro ko.
Nagbabadminton sina Hapon at Pian non, di sila sumali e.
Medyo hassle laruin kasi malawak ang KB. Malawak, as in isang malaking kalsada ang datingan at parang me konting damo lang sa gilid. imagine, unfinished subdivision. Moro-moro, di nila alam yung mechanics. Patintero, malawak masyadong nakakapagod. Sili-sili, di ren keri. Tumbang preso, wala kaming lata that time.
So, we end up playing the game only Ponce and Aldrin knows. The great batang kalyes! Chinika na nila kung paano laruin, konting tutorial at sample tas voila! Go na!~ Mag-gagabi na rin e. Ako si Star ranger 2 nong una. Nakipagpalit ako kay Hardy kasi ayokong katapat si Hapon tas yon sabi nya o sige, ikaw na si Star Ranger #2 tas ako si One. Yon!
Sa kabilang team, nakita ko katapat ko si Pian, syet! Malisya na naman to sa iba. Nakipagpalit ako kay Ponce nang kinatatayuan pero ako parin si Star Ranger 2. Sabi niya kasi mas maganda daw kung di nila alam kung anong number ka. Kaya rambol din ang kinatayuan namin, hindi kami chronologically arranged.
Star Ranger 1, ang natawag.. si bakla at Pian. Tapos, star ranger #4 daw. Si Ponce. tapos.. three.. medyo hindi ko close si Mr. Vale kaya hindi ko tinangkang makipagpalit sa kanya, you see? Tapos medyo paulit ulit sina Hardy at Pian, laging star Ranger #1.
And then, biglang star ranger #2 sino pa ba? Eh, nag-spaced out ako that time. Kami na, sa isip ko parang ganun. I mean, kami na tatakbo tapos yon. Medyo nagkaharap kami tas bigla niyang kinuha yung bimpo sa isip ko, kaya ko tong habulin!
I believe I have the agility, man! Tapos mukha akong tanga! Kasi para siyang tumakbo sa finish line at nakabalik sa base niya pero di ko man lang siya naabot. Muntikan pa ko matisod, sa harap ko sina Aldrin at Pian, pero kaya ko yun, di naman ako basta-basta nadadapa. Kantsawan uli, as expected. Kung na out of balance ako, di ko alam kung san ako mahuhulog kay ano ba.. o kay ano.
Nakakapagod pala tumakbo nang tumakbo.. papunta sa taong determinadong tumakbo palayo sayo. Habol ka nang habol, nagkakandarapa pero dahil ayaw talaga niya, well, wala ka nang magagawa, malay mo may ibang trip sumalo sayo. Tipong kahit di sigurado kung kaya nila, tinry nila, para di ka masaktan nang sobra. To clear things out, Im not referring to what happen. Ganito lang talaga takbo ng brain cells ko. Sa ngayon, hindi ako inlove at wala naman akong crush. Umuwi nga pala ko mag-isa. Tinawagan ko si Annelle para malibang ako dahil medyo malayo rin ang KB papunta sa bahay ko. Pinakanta ko siya, at sobrang natutuwa ako kasi hindi siya gaanong nahihiya. Mas gusto ko siya bilang kabarkada kasi hindi ako komportable na maging higit pa kami don. Tinatanong ko siya kung anong pinagkaiba ng boyfriend sa barkada. Pero sabi niya lang alam ko na yon. Sa buong talambuhay ko at kahit pa nagka-boyfriend na ko e, parehas lang ang trato ko sa close friend at boyfriend ko, laro, kulitan, mga ganon. Malambing ako sa lahat ng tao pag good mood ako, matulungin, maunawaain, madali kausap pero minsan lang yan.
Ay nako, ayos na to. Pero natutuwa talaga ko, dahil ako at siya ay si Star Ranger 2. Mas masaya kung nahabol at nataya ko siya. :)
No comments:
Post a Comment