Tuesday, April 3, 2012

Sino bang may pakialam?

...sa bagong unit ng cellphone mo.

...sa break up nyong mag-syota.

...sa kantang pinost mo sa facebook mo para ipakita kung gaano ka kalungkot.

...sa branded mong sapatos.


Ewan ko sa inyo, pero hindi kasi ko interesado.
Baka masaksak ko lang tong cellphone ko sa bibig mo para matahimik ka na.
Hindi ka na nga kasi nakakatulong, dinedemonyo mo pako.

Paano?

Ano bang gusto mong gawin ko pag pinakita mo yang cellphone?

Ano bang intensyon mo sa pag-aupdate ng relationship status mo?

Ano bang gusto mong palabasin sa kinantang mong emo song?

Letse, makakain ba yang branded mong sapatos kapag nagutom ako sa byahe? Makakausap ko ba yan kapag wala akong magawa?


Materyal na bagay, mga damdaming lumilipas at napapanis.
Iiwan ka ng lahat ng yan. Mabubulok matapos masira. Mawawala. Ephemeral.

Ephemeral ang pinakagusto kong salita sa libro ni Saint Exepuery. Di ko alam kung bakit.


Ngayon ko lang ito naisip, seyoso. Di naman kasi ako obligadong magsalita pagkasama ko yung barkada ko. Sapat na yung present ako. Natatahimik lang sila pagnasasalita ako e.
O kaya, sa ibang tao, sa tuwing magsasalita ako, ipaparamdam nila sakin na di nila yun ala at mas okay kung wag ng pag-usapan.

Magbibitaw ako ng salita.
At tila may mali sa sinabi ko dahil paulit ulit nilang sasabihin yun ng nakangiti.

Salamat ha. Joker pala ko di ko alam.
Okay siguro maging psycho.



Walang kwenta.
Wala kasi kong makausap. Pasensya.

Kung may magbasa man nito, bored ka lang. Kaya pinagtyagaan mo to.

Tuesday, August 16, 2011

Salamat Lord!

Ang sarap ng feeling kapag halos lahat ng nangyayari sayo ay batay sa kagustuhan mo.

Kahapon.
Nakapag-recite ako kay Prof. Tanquezon. Tatlong sporeforming bacteria: Bacillus Cereus, Clostridium Perfringens, Clostridium Botulinium.
Naka-upo ako sa paborito kong sulok sa LRT. Nasa Doroteo Jose na noon. Feeling ko kabisado ko na rin ang istasyon ng LRT, teka.

MONUMENTO, dyan ako galing.
5th Avenue
R. Papa
Abad Santos
Blumentritt
Bambang
Doroteo Jose
Carriedo
Central Terminal


Sana nga lang tama, hehe.


Pagsakay ko naman sa dyip, biglang sumakay din si Gagay. Halos magkasunod lang. Tapos naka-upo ulit ako sa paborito kong sulok. Ay, nilibre niya pala ko. woooooh! Salamat, Lord!


At kanina.
Nag-exam kami sa Math, mali-mali nga lang yung sagot ko sa percentages. Gusto ko rin sana mag-cutting sa English, kasi wala namang matinong grado akong natatanggap kay Prof. Aluyen at noong tourism, nakakainis din kasi lagi kong dala yung classifications ng turism attraction.

Sa PE, masaya naman, kaso parang di ko feel kasama sina Domingo at Yuki sa Balagtasan. Hayy.. Mas trip ko pa kahit si Comba at Overa.

Sa LRT, magkakasabay kami ni Archuleta, Nikky at yung taga-Blumeentritt.
Sa Victory, may matanda, di ako mapakali nung nakita ko siya na halos makuba na sa bitbit niya. Kaya tinulungan ko na, muntanga nga yung mata ko e, naiyak ba. Pero konti lang. Taga-Panghulo rin pala, nalibre na naman ako hehe, ang saya. Salamat Lord!

Friday, August 12, 2011

Peksman, mamatay ka man


Kabibili ko lang, inaasahan kong matapos ko ito ngayong araw para gawing inspirasyon sa gagawin kong talumpati para sa Filipino recitation. Pasaway lang kasi nagtatakot akong malukot yung front cover nitong aklat. kasi naman..

Friday, April 15, 2011

Naka-enroll na ko sa LPU

...at sobrang exhausting na experience pala ang pumila nang pumila nang pumila. Tapos paglabas ng school, simot ang 30K mahigit at alam mong next sem ganun ulit. AWOW lang!

Friday, April 8, 2011

Cannot be.


Applicable din pala to sa lovelife.


Scenario #1

Nanligaw si Diego kay Maya matapos niyang aminin ang alam mo na. Syempre, kinilig sila. Nagpalitan ng number at isang araw, kilala na ng mga tropa ni Diego si Maya. Meron nang fans club si maya composed ng kanyang manliligaw at tropa. Kinilig ulit sila. Second time, hiniram ni Maya ang cellphone ni Diego upang magpasa ng kanta, nakakita ng porn si Maya. Turn off. Nagdahilan si manliligaw, syempre. Tapos, niligaw ni lalaki ang usapan. Nakita ni maya mula sa pagkakaligaw ang libu-libong pictures sa cellphone ni lalaki. Wallpaper pa pala siya, and so what? Madali lang yung gawin kaya hindi sila kinilig this time.

Nag-usap sila. At napunta ang usapan sa ex ni Diego na kaibigan ni Maya. Yun ang alam ni maya, ex-girlfriend ang title. Pero lumipas ang araw, nagkita si Maya at ang kaibigan niya. Walang pansinan. At ni hindi nagkatinginan.

"Bitch ka daw kasi." sabi ng kaibigan niya.

At binasted niya non si Diego.



Scenario #2

Masayang magkabarkada sina Maya, Tuteng, Ayel, Esteban, Clara at Renan. Araw ng mga puso at dahil uso ang raket sa mga ganitong okasyon, nagsagawa ang paaralan ng letter booth. Susulat ka sa papel na mabibili mo dun sa halagang dos at ihahatid nila sa chick na type mo.


May sumulat kay Maya. Dalawa. Tatlo. Di na mabilang at binasa nila yung magkakabarkada kasabay ang tawa. Kilala nila halos lahat kaso merong isa na madrama ang di naglagay ng pangalan. Si Mr. A.


Sa haba ng hair ng bruha ay naisip niyang baka ito ang crush niya. Si Anton, sa forty-seventh floor ng Eiffel Tower. At dahil sa assumption ay napanaginipan niya pa ito. Kaso kinabukasan, niloloko siya ni Esteban. "Kilala ko si Mr. A." Paulit ulit na sabi nito.

"Sino? Si Anton."

"Ohh. Assumption." sabi ni Clara.

"Baka ako yan!"

"Oo nga, si Ayel yata yan e."

"Renan, bat mu alam?" sabay tawa ni Ayel at Renan.

"Ikaw lang pala e."

"Bah! Ang arte mo, pag ikaw niligawan ko sa bahay niyo para madama mong seryoso ko.."

"Ikaw nga?"

"Oo, ayaw mo."

"Buleg!"

"Ako nga, bakit parang ayaw mo?"

"Ungas ka ba?" pasigaw na sabi ni Maya, at pabulong niyang dinugtong "hindi ako komportable dahil ex ka ng kapatid ko."

At charaaan. Nanligaw pa rin si Ayel sa bahay. Kinilig silang dalawa. Pero binasted parin siya ni maya dahil sa matinding paninindigan nito na hindi siya maaaring pumatol sa ex ng sinumang malapit sa kanya.




At tumanda nga siyanng dalaga, joke.



"Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?"



------------


Natatandaan ko pa dati..

mataba pa ko..
wavy pa ang buhok ko..
mahilig ako sa jologs na damit..
adik ako sa pag-aaral..
at malakas ako kumain.

Hanggang ngayon naman yata, malakas akong kumain, hindi na nga lang ako adik sa pag-aaral.. pero mahilig ako magbasa ng libro at mag drowing.. hindi na ko mahilig sa pulang medyas dahil partner ng rubber shoes kong Sketchers eh, isang pares ng itim na Burlington na.. at bago mag-bagong taon ay ipinakulam ako ng lola ko sa isang sikat na parlor kaya naunat ang hair ko.. nahilig ako sa sports gaya ng volleyball at badminton na nakaka-exercise ng katawan at chess na nakaka-exercise naman ng utak.




Pero bakit namimiss ko yung dati?






















Saturday, April 2, 2011

Movie: The Girl who leapt through time

Anime movie. Cute. Unexpected ang ilang scenario. Sweet. At may aral naman.

Pag naglakas loob nga naman kasi ang isang tao na aminin sayo ang nararamdaman niya, ang hirap non gawin. Kahit yung courage at effort man lang magpasalamat ka. Minsan lang kasi yun, hindi araw araw makakarinig ka ng ganun.

Si Chiaki, Kousuke at Makoto ay magkakaibigan at masayang naglalaro ng baseball pag leisure time nila. Best Buds! Hanggang sa natukod ang siko ni Makoto sa isang bagay at na-charge siya ng 90 chances to leap thru time. Panget nga ng entrance nya tuwing bumabalik siya sa panahon e, sakit sa neck. Anyway, nakakabitin. Pero ang sweet kasi maghihintay daw yung lalaki sa future. Cute pa naman ni Chiaki. :)